Inday

Lyrics
[Intro: Cathy Go] O Inday, o Inday, o Inday Inday ng buhay ko O Inday, o Inday Inday ng buhay ko Ooh, ooh, ooh-ooh-ooh Ooh, ooh, ooh-ooh-ooh [Chorus: Cathy Go] Katatapos ko lang high school sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran, kaya't walang makita't Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko? Bumiyahe na lang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko Katatapos ko lang ng high school sa probinsya Gusto ko sanang maging doktor ng medisina Ngunit si Itay ay magsasaka lang, ang kapatid ko ay pito Mahainan lang ang hapagkainan, ang trabaho ko ay ito [Verse: Gloc 9] Itong pantalon na maong, labhan mo nang pakamay Ang aking tira-tira'y takpan mo 'Pag tapos ka nang kumain, ang sahig punasan mo Mula baba hanggang taas, lampasuhin hagdanan ko Dapat walang alikabok, ni katiting sa mga muebles Ayokong inuulit nang higit sa isang beses Ang lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod 'Pag kausap mo ako, kulang na lang ay lumuhod Bilisan mong maglakad, sige, buhatin mo lahat Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat Kapag tinawag sa gabi, dapat tulog ka nang dilat At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat Kahit gaano kadumi, ang mabaho'y amuyin Sa tuwing ako'y malalasing, lahat ng gusto ko'y sundin Kung ayaw mong sa'yo ay mayroong mangyaring masama Oo ang isasagot sa gusto kong ipagawa O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita Makakaalis ka na, 'di na kita kailangan Bago tumawag ng pulis dahil ako'y 'yong ninakawan [Chorus: Cathy Go] Katatapos ko lang high school sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran, kaya't walang makita't Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko? Bumiyahe na lang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko Katatapos ko lang ng high school sa probinsya Gusto ko sanang maging doktor ng medisina Ngunit si Itay ay magsasaka lang, ang kapatid ko ay pito Mahainan lang ang hapagkainan, ang trabaho ko ay ito [Outro: Cathy Go] O Inday, o Inday, o Inday Inday ng buhay ko O Inday, o Inday Inday ng buhay ko Ooh, ooh, ooh-ooh-ooh Ooh, ooh, ooh-ooh-ooh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9