Hindi Sapat (Live)

Gloc-9 & Cookie Chua & Ryan Cayabyab - Rap, Filipino
Hindi Sapat (Live)
1 Plays
Duration: 4:07
Lyrics
[Intro: Cookie Chua] Tubig na iinumin mo na ay Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay [Hook: Gloc-9] Nanay, mommy, ina Mama, inang, mamang, ima Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay Nanay, mommy, ina Mama, inang, mamang, ima Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay [Verse: Gloc-9] Siyam na buwan sa'yong sinapupunan dinala Hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka Mapagbigay, hindi iniisip ang sarili At kay itay ikaw ang palaging humahalili 'Pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling 'Pag kinukuha ko ang buhat n'yo agad umiiling Kaya ko na ito anak, baka mahuli ka sa klase Tinapay na pinalamanan ng baon palagi Madaling araw kung gumising para lang makapagluto Maghapong maglalako para sa maliit na tubo Bayad namin sa ilaw, tubig, kuryente Kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke [Pre-Chorus: Gloc-9] Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na Pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya Pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina [Chorus: Cookie Chua] Tubig na iinumin mo na ay Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay [Hook: Gloc-9] Nanay, mommy, ina Mama, inang, mamang, ima Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay Nanay, mommy, ina Mama, inang, mamang, ima Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay [Verse: Gloc-9] Puyat, pagod, sinat, hagod Saing, hain, hugas, kayod Sahod ma'y kapos hindi ka nakakalimot Na sindihan ang posporo, kandilang tinusok Sa ibabaw ng mamon na balot ng matamis Regalo mo taon-taon, tila napakabilis Isang babaeng 'di marunong maningil ng buwis Minsa'y nakakainis minamani mo ang tiis Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit Mano sa kanang kamay sa noo ididikit Kahit butil ng buhangin pipiliting ibalik Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit [Pre-Chorus: Gloc-9] Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na Pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya Pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina [Chorus: Cookie Chua] Tubig na iinumin mo na ay Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay [Hook: Gloc-9] Nanay, mommy, ina Mama, inang, mamang, ima Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay Nanay, mommy, ina Mama, inang, mamang, ima Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay [Outro: Cookie Chua] Tubig na iinumin mo na ay Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay Palakpakan natin yung nanay ko at lahat ng mga nanay natin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9