Hari ng Tondo (Live)

Lyrics
[Chorus: Denise Barbacena] Kahit sa patalim kumapit Isang tuka, isang kahig ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama Ang Hari ng Tondo, Hari ng Tondo Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo Hari ng Tondo, Hari ng Tondo, oh Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo [Verse 1: Gloc-9] Minsan sa isang lugar sa Maynila Maraming nangyayari ngunit takot ang dilang Sabihin ang lahat, animo'y kagat-kagat Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong Kahit na madami ang ulupong At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong Sa kamay ng iilan, umaabusong kikilan Ang lahat ng pumalag, walang tanong ay kitilan ng buhay Hukay, luha'y magpapatunay Kahit hindi makulay, kailangang magbigay-pugay Sa kung sino ang lamang, mga bitukang halang At kung wala kang alam ay yumuko ka na lang Hanggang sa may nagpasya na sumalungat sa agos Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos Sa kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta Sabay-sabay nating hawiin ang tabing na tolda [Chorus: Denise Barbacena] Kahit sa patalim kumapit Isang tuka, isang kahig ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama Ang Hari ng Tondo, Hari ng Tondo Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo Hari ng Tondo, Hari ng Tondo, oh Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo [Verse 2: Gloc-9] Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y tumawag Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang patawad Sa maling nagagawa na tila nagiging tama Ang tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa Lahat sila'y takot, nakakapaso ang 'yong galit Mga bakal na may nagbabagang tinggang Papalit-palit sa hangin na masangsang Nakakapanghina ang nana at hindi mo matanggal Na para bang sima ng panang Nakakulawit subalit sa kabila ng lahat Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak Ang siyang tanging naghahatid sa kaniya sa katinuan At hindi ipagpapalit sa kahit na sino Ngunit nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan Ipinasok ang tingga, tumulo ang dugo sa lonta Ngayon, alam niyo na ang kwento ni Asiong Salonga [Chorus: Denise Barbacena] Kahit sa patalim kumapit Isang tuka, isang kahig ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama (Let's go!) Ang Hari ng Tondo, Hari ng Tondo Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo Hari ng Tondo, Hari ng Tondo, oh Baka mabansagan ka na Hari ng Tondo Hari ng Tondo Hari ng Tondo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9