Bakit Hindi

Lyrics
[Intro: Billy Crawford] Ooh [Chorus: Billy Crawford] 'Wag mangarap ng basta simple At umasa lagi sa libre Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili Pagbutihan mo nang maigi Kamusta ka na, imposible? Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili [Verse 1: Gloc-9] Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang sa Iyong daraanan, hagdanang mataas, madulas kahit na matumba? Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan? Bawat hakbang, tawirin mo man, dagat, sabayan hangin, habagat Baga't apoy, bawat patak ng dugo'y Hindi mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa Sa kanila na sa pait ng buhay, nawalan na ng panlasa Walang trabaho, walang makain, bubungan na tinangay ng hangin Humahaba na ang listahan sa tindahan, at sakitin Pa ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan Kapag hindi ka na bumangon ay doon ka pa lang magiging talunan Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha Kung hindi ka susuko, hinding-hindi ka huhupa [Chorus: Billy Crawford] 'Wag mangarap ng basta simple At umasa lagi sa libre (Libre) Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili Pagbutihan mo nang maigi (Pagbutihan mo) Kamusta ka na, imposible? (Ooh) Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili [Verse 2: Gloc-9 with Billy Crawford] Bakit? Bakit? Bakit? Bakit gumigising? (Bakit?) Bakit? Bakit? Bakit dumidilat? (Dilat) Hindi puwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (Buhat) Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat Handa nang sumagupa sa lahat, gano'n ka-kunat Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw Iangat, kumagat, lunukin nang hilaw Higpitan mo lang ang hawak, 'wag na 'wag kang bibitaw (Aah, bibitaw) Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw (Kundi ikaw) Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan Ang isipin mo na lamang ay laman tiyan din 'yan Kahit tuyo na ang halaman, tiyagain mong diligan Hanggang ito ay lumaguna na akala mo'y Biñan Lahat ng iyong naaabot ay pilitin mong higitan Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan Kung hindi mo nagawa, 'wag mo na muling tingnan Marami pang pagkakataon ang nasa 'yong harapan [Chorus: Billy Crawford] 'Wag mangarap ng basta simple At umasa lagi sa libre (Lahat libre) Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili ('Yan ang sabihin) Pagbutihan mo nang maigi (Pagbutihan mo) Kamusta ka na, imposible? (Ooh) Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili [Outro: Billy Crawford] Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili Bakit hindi? Bakit hindi? 'Yan ang sabihin sa sarili
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9