Bahala Na

Album cover art for "Bahala Na" by Gloc-9 & Biboy of Queso & Moymoy Palaboy & Sisa (Crazy As Pinoy)

Gloc-9 & Biboy of Queso & Moymoy Palaboy & Sisa (Crazy As Pinoy) - Rap, Hip-Hop

Bahala Na

0 Plays

Duration: 3:46

View Album

Lyrics

Language:

Ito ba talaga ang buhay ko, bahala na Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka Akalain mo nga naman Dahil ako na naman ang Babanat sa mic na 'to Sige sumakay ka sa bike na 'to Ang tulang ito'y Hinahandog sa mga ka-chokaran kong palaging talo Sa mga laro ng buhay Gusto mo ng chicken, pagtingin mo gulay Malunggay na hinaluan ng tuyong tira Pagkatapos mong kumain ay walang tinga 'Pag hinatulan ay 'di ka pwedeng umapila Birthday mo pala bakit di ka kinumbida Ang panget mo! 'Yan ang sinasabi sayo ng nanay mo! Mga kapatid na palagi kang ginugulpi Bumbilya mo na laging pundi Niligawan ang klasmeyt mo 'Pag nilalapitan ang sinasabi nya sayo, Pwe! Ngayon ang enrollment nyo Humingi ka ng pera sabi ng itay mo, Che! 'Pag namamasyal laging Luneta Aparador mo na lumang maleta Mga damit na walang etiketa Buhay na parang isang roleta Ng kapalaran palaging bokya Kamote na hindi makakopya Sa teacher na parang si Miss Tapia Ang grade ko ay parang lumang hopya 'Di bale na ganyan lang talaga ang buhay Parang damit sa tindahan na ukay-ukay Ano man ang ating gawin Kapalaran nati'y haharapin Tara! Ito ba talaga ang buhay ko bahala na Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka Tumaya ka sa lotto, nanalo ka 'Di mo pa dinidigahan, sinagot ka na Lahat ng mga bagong kotse meron ka na Pati alahas na masakit sa mata At mabigat sa braso, 'di pwet ng baso Ang bahay mo na kasing laki ng palasyo Damit na bagong bili ginawang retaso Madalas ka pa sa bangko kaysa sa banyo Sa dami ng pera mo gamit na wallet ay bag (Hoy!) Kumakain ng tuyo sawa na sa baboy Malakas ang dating kasi naman ang mukha mo'y Parang isang piraso ng inukit na kahoy Tinawagan mo pa lang tanggap ka na Pasado ka sa test sa isang kisapmata Ano unang araw ng trabaho boss ka na Laging nakaupo may taga-utos ka pa Kinunan ka ng picture akala mo'y Hindi ka naka-video pero karakas mo'y Nagkalat na sa Youtube kaya ngayo'y Sikat na para ding moymoy palaboy Paborito ka ng teacher mo Laging orig ang mga t-shirt mo Kahit saang lupalop ka pumunta Ay lagi kang naka hatid-sundo Tingnan mo sundan mo ang lahat Ng mga inuutos ko Yan ang palagi mong sinasabi pare Daig mo pa nga ang pangulo Ng barangay hall Kaso lang narinig mong biglang tumilaok ang manok Panaginip lang pala pano yan tanghali ka na Nagmamadali kang bumangon kaso lamang Nabagok napakanta na lang Di lamang ikaw ang may dinadala Tumingin ka sa paligid nariyan lang Nariyan lang Ito ba talaga ang buhay ko bahala na Ganyan lang talaga ang buhay kaya Kumapit ka Ito ba talaga ang buhay ko bahala na Ganyan lang talaga ang buhay kaya Bahala na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9