Apatnapung Bara (Live)

Lyrics
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang Tila lupang 'di tigang sa letra mong bilang Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang Hindi naman superlolo pero bakit sumasabog Ang lahat nakuha mo kahit di makapal ang apog Pinagmanhik manaog, ibang klaseng Tagalog Parang alta presyon sa kumakapal na batok Tapos na ang biruan, walang pala-palabok Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pagsalok Magpaabot 'pag napagod 'pag humagok magpadagok Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok Ang bata na inaral ang a ba ka da E ga ha i la ma na nga o pa ra sa ta u wa ya Kundi makasabay sa aking makakaya Bumaba ka sa aking pasada mama, para Ibalik ang bayad sumayad ang speaker sa lakas Ng tunog lumubog ang mga mapangahas Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid Ako ang magaling palaging sinisigaw Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw O kandilang tunaw o itak na bingaw Pag pinagsama natin ang dalawa, oo ikaw Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin Pero aaminin ko nakakapanghinayang Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan Ang mukha mo panibagong kabisado na tula 'to Sa mukha mo, itaya mo pati pato ano kamo Bawat CD-ing nabenta mo walang pang limang piso Ang babalik sa'yo teka wala kang benepisyo Pero ayos lang kasi ito ang 'yong pinagdasal 'Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal Mga nakakadinig sila ang sumatotal Pagkakataong humukay ng panibagong bukal Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap Kahit anong mangyari 'wag kang bibitaw sa yakap Ok na 'yun, 'di ba?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9