Anghel

Album cover art for "Anghel" by Gloc-9 & Abaddon & Arvy T

Gloc-9 & Abaddon & Arvy T - Rap, Philippines

Anghel

2 Plays

Duration: 3:28

View Album

Lyrics

Language:

[Intro] Huwag kayong makulit Dati akong baliw at pagod na 'kong manakit (ahuh) 'Di ako mabait Sa likod nitong ngiti ko, madami nang nasawi (huh) [Verse 1: Abaddon] Nililinlang ka lang ng iyong paningin Mukha ba 'kong batang parang walang kayang gawin? Kabisado ko kung saan ka patatamaan Ku'nan larawan, padala sa'yong kamag-anakan Mainitin ang aking ulo (ulo), maniwala ka Tinutuloy ko 'pag akin 'tong itinutok (itinutok) Kapag sa'yo ko 'to sinubo (bang) Magugulat ka na lang kasama mo na ang iyong ninuno (leggo) [Chorus: Abaddon] Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag na huwag pare dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag kang magkakamali dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala [Verse 2: Gloc-9] Kung ako yung tao na iniiwasan kong maging Ako'y mistulang bulag, paningin ko'y mag-didilim Daliri sa gatilyo ay aking kakalabitin Tandaan, mata sa mata, ngipin sa ngipin Bubunutin ang pako ng granada, sige takbo Takasan ang lahat ng mga maling ginawa mo Kaso hindi mangyayari 'yan, kaya galingan mo Kalagan ang pagka-gapos ng mga paa't kamay mo Hihilahin ka ng jeep, suot mo lamang ay brip Hindi na naka-dikit, balat na punit-punit Ito na ang kapalit, lalatayan ng siit Kahit ika'y pumikit, ang panaginip ay sakit (sakit) [Chorus: Abaddon] Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag na huwag pare dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag kang magkakamali dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala [Verse 3: Arvy T] Isang latang walang laman na maingay ang panlaban niya, bibig niya lang Wala man lang bigat o husay, walang alam sa mundo, parang 'di pa nabibinyagan Minsan, ang walang sungay, ang siyang may ka demonyohan Siyang tunay na walang kaba, na kayang kaya kang dibdiban Tandaang mas nakaka-ilang ang tahimik lang, kasi ang galawan mahirap hulaan 'Pag nabuang na, ewan ko na lang, me'rong makulit na batang mapaparusahan Porke't mabait, babanggain ba? ang lupit Huwag mo na lang na tangkain pa ulit, ha? Kasi mas masakit 'pag tinamaan ka ng magaling 'Pag nag-bago na'y nag-bago na, lalo't 'pag pamilyado na Pero ibang usapan na kasi 'pag abusado ka Pakiusap ikaw ay lumayo, hindi ako takot sa'yo Takot ako sa kung anong kaya kong mabuhos kapag ako ay napuno kaya [Chorus: Abaddon] Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag na huwag pare dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag kang magkakamali dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala [Bridge] Huwag niyo kong guluhin, nananahimik na Pabayaan niyo ako dito na mag-isa Huwag niyo nang sindihan pa ang aking mitsa 'Di niyo maiibigan 'pag ako'y nag-init na [Chorus: Abaddon] Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag na huwag pare dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala Huwag mong sagarin ang anghel mula sa banging malalim (Huwag kang magkakamali dahil) Ilalabas ko ang kargada na punong puno ng bala

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found