Muli

Lyrics
[Verse 1: Gary Valenciano] Muling hinahanap ang dating paglingap na mula sa 'yo Muling umaasa sa dating nadaramang laan sa 'yo Mula nang magwakas, tapusin ang lahat Ay naritong nagmamahal pa rin Pa'no kaya maibabalik ang damdamin mong dati? [Verse 2: Regine Velasquez] 'Di ba't ikaw pa unang may nais na tapusin na Habang panahon, pinilit limutin ka hanggang ngayon Mula nang magwakas, tapusin ang lahat Hindi maikakailang ikaw pa rin Papa'no kaya maibabalik ang hangaring dati? [Chorus: Gary and Regine] Ba't 'di nagkatagpo? Bakit tuloy nagkalayo? Bakit mayro'n pang nadarama gayong hindi na tayong dalawa? Bakit magwawakas pag-ibig na wagas? Maari bang mangyari pang ibigin pang muli? [Verse 3: Gary, Regine] Kung muling iibig Huwag sanang lisanin nang tulad noon Pagluha'y 'di na kaya Huwag na sanang ulitin ang nangyari pang gayon, ooh-ooh-ooh-ooh Hanggang sa nagwakas, natapos ang lahat Ay naritong nagmamahal pa rin Pa'no pa ba maibabalik ang hangaring dati? (Maari pa kayang muli) [Chorus: Gary and Regine] Ba't 'di nagkatagpo? Bakit tuloy nagkalayo? Bakit mayro'n pang nadarama gayong hindi na tayong dalawa? Bakit magwawakas pag-ibig na wagas? Maari bang mangyari pang ibigin pang muli? [Bridge: Gary, Regine] Nandito lang ako (Bago lumayo sa pilling mo) Higit kang kailangan kailan man (hanggang kailan kaya naman) Mahala kita (tila) hanap ka (sana, tunay kaya ito, oh-woah) Minsan pang bigyan ng daan pag-ibig na sa 'yo nakalaan [Chorus: Gary and Regine] Ba't 'di nagkatagpo? Bakit tuloy nagkalayo? Bakit mayro'n pang nadarama gayong hindi na tayong dalawa? Bakit magwawakas pag-ibig na wagas? Maari bang mangyari pang ibigin pang muli? [Outro: Gary and Regine] Woah-oh-oh-oh-oh, oh-oh, ooh-ooh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...