Ugnayan (Environment Theme)

Lyrics
[Verse 1] May liwanag na sumikat sa halaman na bumuhay sa nagdaraan Ang karagatang sumingaw ng hangin na naging ulap Bumagsak bilang ulan [Verse 2] Ang buhanging 'di mabilang kay payapa Sa tuwing aking minamasdan (Minamasdan) Gubat na napaligiran ng mga nilalang na matapang Iyan ang kalikasan [Chorus] Alaga sa isa'y alaga sa lahat Isa'ng ating iniikutan Sa lupa nagmula, sa lupa hihiga Ugnayan ay walang katapusan [Verse 3] Hindi ka ba namamangha Milyon-milyon ang koneksyon May libo-libong dahilan kung bakit [Verse 4] Kay lawak man ng nilikha (Ng nilikha) Iba-iba ang direksyon Pero buhay ay iisa [Chorus] Alaga sa isa'y alaga sa lahat Isa'ng ating iniikutan Sa lupa nagmula, sa lupa hihiga Ugnayan ay walang katapusan Alaga sa isa'y alaga sa lahat Isa'ng ating iniikutan (Iniikutan) Sa lupa nagmula, sa lupa hihiga Ugnayan ay walang katapusan [Outro] Katapusan Katapusan Katapusan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rina Mercado