Bulag, Pipi, Bingi

Album cover art for "Bulag, Pipi, Bingi" by Freddie Aguilar

Freddie Aguilar - Pop, Folk Rock

Bulag, Pipi, Bingi

6.5K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi, at may bingi [Verse 1] Madilim ang 'yong paligid, hatinggabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan 'Wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan [Chorus] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal [Verse 2] Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, diyan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman [Chorus] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal [Verse 3] Ano sa 'yo ang musika? Sa 'yo ba'y mahalaga? Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo [Chorus] (Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo) Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal [Outro] 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Snaffu Rigor