Una Lagi

Album cover art for "Una Lagi" by Flow G

Flow G - Rap, Philippines

Una Lagi

6.4K Plays

Duration: 3:14

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] 'Di man kita mauna palagi 'Di man kita mauna palagi [Verse 1] Kulang ang ipagsigawan na mahal kita Sa daming nakuha mula nu'ng nakuha kita 'Di na mabilang-bilang kapalit 'Di rin mabibilang ang handa ko na gawin Para paramihin ang gusto ko makamit Ngayon na ikaw ang katabi Para makita nila na nag-iba ang kapalaran nu'ng nand'yan ka na 'Di makaila na 'kaw ang kailangan, kaya sa iba, 'di bali na Kahit kailan, 'di pa umalis, na hindi nakadama na masabik Kadalasan, 'di pa naalis, iniisip na agad makabalik Sa isip ko, 'di ka maalis, kahit kung saan-saan makarating 'Tsaka 'di na para humiling, kasi matagal ka na na dumating Sasamahan na kita hanggang huli [Chorus] 'Di man kita mauna palagi Ang mahalaga ang ginagawa ko'y para sa 'tin Kasi kahit para sa 'kin ay para sa 'yo pa 'rin Gusto ko manalo para masabi ko na dahil sa 'yo [Verse 2] Walang ibang dahilan at wala 'kong ibang rason (Wala) 'Wag ka na magtaka pa, ano ka ba? Ikaw na 'yun! (Ikaw na 'yun) Handang makasama ko sa habang panahon (Oh) Kung ba't inaayos ko 'yung bukas sa ngayon 'Yoko maipon problema, inuunti-unti ko nang harapin Balang araw, mga tema sa iba-ibang lugar tayo dalhin Parang hardin, du'n tayo magtatanim Ng mga supling, papangalanan kung sa'n gagawin Malalaking plano na sana maging totoo na agad sa lalong madaling panahon Kaya ito ngayon, kada may gagawin ay sagad ko samantalahin Talagang napakasarap pangarapin Lahat 'yan ay para sa 'tin, kaya kung 'di ka kasama ay baliwala rin Kaya unawain mo [Chorus] 'Di man kita mauna palagi Ang mahalaga ang ginagawa ko'y para sa 'tin Kasi kahit para sa 'kin ay para sa 'yo pa 'rin Gusto ko manalo para masabi ko na dahil sa 'yo 'Di man kita mauna palagi Ang mahalaga ang ginagawa ko'y para sa 'tin Kasi kahit para sa 'kin ay para sa 'yo pa 'rin Gusto ko manalo para masabi ko na dahil sa 'yo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Flow G