Ayos Ba?

Lyrics
[Intro] Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta?) Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ba?) Wala namang dapat ipag-alala Maniwala, 'wag ka mangamba [Verse 1] Habang oras ay tumatakbo (Oh) Kailangan malaman mo Kung ano 'yung mga gusto mo lang Sa tunay na kailangan mo Kung sino pa 'yung mga mahiling Sila pa mga nagtatampo Ulanin ka man nang ulanin May iba pa ring binabagyo Lumingon sa paligid, makikita 'Yung iba, hirap na rin, nakangiti pa 'Yung iba, wala kahit na bisikleta Habang ikaw, naghahanap ka pa ng gasolina Kung lungkot 'tsaka bigat magkapalitan Saluhin mo lang lahat, 'wag ka lumiban 'Yan ang mga dahilan para tumibay tayo 'Di lang 'yan basta palamuti lang Gumawa ng paraan kaysa magreklamo Isa 'yan sa pinakamahalaga Ang sikreto para 'di ka mapagod Gawin kung sa'n ka pinakamasaya Para 'di mo rin kailangan magtiis 'Tsaka 'di ka din gaano mainip Kasi 'di lahat ng bagay mabilis [Chorus] Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?) Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?) Wala namang dapat ipag-alala Maniwala, 'wag ka mangamba [Verse 2] 'Wag ka na maraming hinahanap (Whoa) Kasa gising, ipagpasalamat (Whoa) Lalo na kapag may nilalatag ka Du'n palang dapat ay mapanatag na 'Yung iba, walang nasisilungan 'Yung iba, nagugutuman 'Yung iba, baon sa utang 'Yung iba, nasa kulungan Sarili, 'di matulungan habang ikaw ay malaya ka Sa 'yo, ako na magbabalik Tatapik na natural lang ang dumadaing May mga bagay na 'di dumadating Kasi 'pag nasa 'yo na hindi ka na sabik Tignan mo na lamang 'yung iba, kahit mayro'ng dinadala Hindi marunong madala kasi marunong magdala Sa mga pagsubok, 'di sila nagpadala Tignan mo ngayon kung saan sila dinala Mga daraanan natin, kahit malala 'Pag nalampasan, balewala na rin malaon Pagka wala ka pang mga sugat sa kahapon Du'n mo masasabi na hindi ka pa malayo Asahan na kung saan-saan ka pa dadapo 'Tsaka kung saan-saan ka dadalhin ng alon 'Wag magmadali kasi wala kang hinahabol Huminga ka pagka hinahapo [Chorus] Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?) Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?) Wala namang dapat ipag-alala Maniwala, 'wag ka mangamba [Verse 3] Ano man ang kalagayan, sana makaraos ka Mga pinagdadaanan mo, matapos na 'Di mo na dapat isipin kung may galos ka Ang mahalaga, ayos ka! Ayos ba? Mga gusto makamit 'Wag ka mangangalay abutin, 'wag mo ako biguin 'Di lang ako handa makinig Tutulungan pa kita na humiling para lalong tuparin Lagi lang nakaalalay na makatawid 'Di nakakalimot na ika'y kamustahin Sana 'pag ako naman kailangan pasagip May makaalala na ako ay tanungin [Bridge] Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?) Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?) Wala namang dapat ipag-alala Maniwala, 'wag ka mangamba [Chorus] Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?) Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?) Wala namang dapat ipag-alala (Ipag-alala) Maniwala, 'wag ka mangamba [Outro] Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?) Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?) Wala namang dapat ipag-alala Maniwala, 'wag ka mangamba
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Flow G