Tagu-Taguan

Lyrics
[Verse 1] Minsan, isang araw, puso'y napasigaw Nahulog sa iyo't 'di ko na matanaw Pangangatwiran ko'y 'di na mapagkatiwalaan [Verse 2] Umasa sa iyong 'di na mabibitawan Na baka sakali lang, 'di na masasaktan Ngunit pangangatwiran mo'y 'di mapagkatiwalaan [Pre-Chorus] Kaya't pipikit na lang [Chorus] Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal, 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan [Verse 3] Langit ang natanaw, pangarap ay ikaw Lupa ang nabigay, 'di nakapaghintay Sana nagpatintero at naiwasan ang impyerno [Pre-Chorus] Kaya't pipikit na lang At baka sakali lang [Chorus] Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal, 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan [Bridge] Pagdating sa dulo ako'y nasaktan mo Sinubukang ipaglaban sigaw ng puso ko Ngunit ba't pipilitin ang 'di naman para sa akin [Chorus] Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal, 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan Nung tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal, 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan [Outro] Nung 'di pa naiwan (Nung 'di pa naiwan) Nung 'di pa naiwan (Nung 'di pa naiwan) Nung 'di mo iniwan (Nung 'di mo iniwan)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Sarah Bulahan
- Moira Dela Torre