Tuloy Lang

Album cover art for "Tuloy Lang" by Ex Battalion

Ex Battalion - Rap, Philippines

Tuloy Lang

0 Plays

Duration: 4:39

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Buksan ang mga mata kung ika'y nakapikit Subukan mong lumapit, pilitin mong dumikit Kung mga pangarap ay patuloy na lumalayo Habulin mo sa'n pa man, simulan nang tumayo Walang imposible sa pintuang nakasara Kahit itulak mo'y nakaharang, para bang nakabara Kahit medyo delikado pagtawid mo sa tulay Mainit ang lakbay na parang 'di s'ya too good sa Dubai 'Wag kang hihinto, isigaw ng malakas Pilitin mong abutin, lumipad ka pataas Walang pwede na magsabi, 'di ka patas na maghari sa mikropono o letra na binibigkas Ugh, lagi mong isipin ang iyong layunin Subukang buhatin kahit medyo mabigat Sungkitin ang mga tala kahit na hinog pa o hinog pa sa alam mo kung kailan ka kakagat [Chorus] Kahit anong laban, 'di sumuko Tangan ko ang mikropono Kahit na malabo, 'di nagpatalo Umasa lang sa talento ko (sa talento ko) Kahit na may humarang pa Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa) Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang) Walang patutunguhan, dederetso lang [Verse 2] Sa landas ko na napili, maraming mandurugas Talangka at balasubas, may ilan ding maghuhudas Na 'di ka hahayaang makatapak sa pedestal Ang makapagpabagsak, ginawa nilang credential Sa bawat paghakbang, may laging nakaabang Panganib ay nagbabadya, banta laging nakaabang Sa 'yo ay dadamba at negatibo na komento Pinapalaganap negatibo sa 'yong kwento Pero pinatamis ko ang lahat ng panlalait Inisip na papuri kahit may tanong kung bakit Sa isip naglalaro kung kakayanin ko ba 'to Na patuloy na maglakbay sa daanan na mabato Pero 'di ko alintana kahit medyo mabao Lalakad ng marahan hanggang aking matamo Tangan-tangan ang mikropono sa kanan kong kamay Na natatangi na sandata ko sa'king paglalakbay kaya [Chorus] Kahit anong laban, 'di sumuko Tangan ko ang mikropono Kahit na malabo, 'di nagpatalo Umasa lang sa talento ko (sa talento ko) Kahit na may humarang pa Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa) Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang) Walang patutunguhan, dederetso lang [Verse 3] May mga pagkakataon na 'di ko maintindihan Lumuha sa isang tabi, sarili ko ay sumbatan Pagsisibat, ito aking napili na larangan Ang tagal ko na gumugol bakit 'di ako kabilang? Sa mga tanyag, ako'y nilamon ng inggit Sila'y nais sapawan kahit na nakapikit Binigay ko naman lahat, bakit parang wa epek? Kahit na ang obra ko ay malupit at cool effect Parang walang sense mabuhay sa aking kultura Ginto na ang halaga ng sulat ko, binabasura Parang walang dating kahit maangas ang postura Ang sakit sa dibdib ko ay parang may bumabasura Ngunit aking naisip, gumising sa dilat na panaginip Manalig dahil magbabago din ang bawat ihip Na tatangay sa akin, patungo sa tagumpay Ang laban 'di ko susukuan kahit pa ba habang-buhay Dahil sa mga inspirasyon na nagpatibay ng loob ko at sandigan sa'king paglalakbay Panginoon, salamat at binigyan niyo 'ko ng lakas Kaalyadong mahusay, kaibigan lang, walang katulad [Chorus] Kahit anong laban, 'di sumuko Tangan ko ang mikropono Kahit na malabo, 'di nagpatalo Umasa lang sa talento ko (sa talento ko) Kahit na may humarang pa Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa) Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang) Walang patutunguhan, dederetso lang [Interlude] Kahit anong laban, 'di sumuko Tangan ko ang mikropono Kahit na malabo, 'di nagpatalo Umasa lang sa talento ko (sa talento ko) [Verse 4] Ano mang mithiin ko, do'n na akong nakipagsapalaran Kahit sa nais kong gawin walang masyadong alam Sa mga bagay-bagay na hinawakan ko na ngayon Konting kibot lang ay pwedeng magbago ang panahon Kaya pinilit kong lumapit sa Nagturo sa 'kin na Humawak malapit sa sumulat kahit papa'no ay Natutong sumabay at gumawa ng awit mag-isa Ngayon binahagi sa iba ang konting kaalaman na Na narating ko na nasa inyo Salamat sa inyo at nandyan kayo't gumabay Sa 'kin nagturo kung may kulang ay inyong napunan Talo sa taong gumugol sa 'kin ng ano mang kailangan [Chorus] Kahit anong laban, 'di sumuko Tangan ko ang mikropono Kahit na malabo, 'di nagpatalo Umasa lang sa talento ko (sa talento ko) Kahit na may humarang pa Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa) Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang) Walang patutunguhan, dederetso lang (dederetso lang)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Ex Battalion