Second Chance

Lyrics
[Intro] Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraa′y, aking gagawin Upang maitama ko ang mga maling Nagawa sa 'yo at ′di na muling Papalitan ako, oh Pwede ba natin na pag-usapan 'to? Ayokong mawala ka pa sa buhay ko 'Di ko kakayanin ′to ′Wag ka sa 'kin lumayo ′Di ko kayang tumayo [Verse 1] Dahil nga nasanay na ako't umasa na ako na nand′yaan ka Palagi sa buhay ko, nasaktan kita pero 'di ko napuna Na umalis ka nang ′di nagpapaalam Dumating ka ngunit muling iniwanan Dahil nga nagkulang gusto ko mapunan Lahat ng mali ko sa 'yo kasalanan ko (Alam kong) Niyapos ako ng tukso Dahil akala ko mas masaya kapag ganito Subalit hindi pala, 'di pala, hindi pala Mas masaya ako kapag ka nand′yan ka Dahil sa t′wing kasama ka'y ligayang nadama Ngunit dahil sa ′kin kaya wala ka na Sana maibalik ating nakaraan Bigyan mo 'ko ng tyansang ika′y mabalikan [Chorus] Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa? Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa Sumpa kong gagawin lahat Itutuwid mga pagkakasala sapagkat Ayoko, 'di ko pala kayang malayo sa ′yo Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako [Verse 2] Alam mo naman marami akong nagawa na mali no'ng una pa lang Pero sana naman pagbigyan mo ng pagkakataong Maibalik ang tiwala mo sa akin At 'di na sasayangin Para 'di ka na muling malayo sa akin Ating pagtibayin pa kung sakali na muling mabuo ang ating Relasyon na nasira dahil sa akin Patawarin sa mga pagkakasala, ibalik na natin ′Yong dating masaya na tayong dalawa′t walang problema Kayang patunayan nang walang hanggan At tayo ang pruweba Kasi ang totoo, ako ay lubos na nanghinayang sa ′king sinayang Pagmamahal lang iyong inalay sa 'kin Sinukli ko′y panlilinlang (panlilinlang) Ako ay lubos na nanghinayang Tapat pala ang inaakalang Hindi na kayang tumagal sa'ming pagmamahalan (pagmamahalan) Mapatawad mo pa sana ako kung ako sa 'yo′y 'di nagtiwala (tiwala) Kaya nagawa ko tumingin sa iba Hanapin ang pag-ibig na akala ko'y wala na (wala na) Dahilan kung bakit sa ′kin nawala ka Mapayagan mo pa sanang makabawi (bawi) Mabalik muli ang ngiti sa ′iyong mga labi At saya muli sa 'kin mamalagi (lagi) [Chorus] Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa? Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa Sumpa kong gagawin lahat Itutuwid mga pagkakasala sapagkat Ayoko, ′di ko pala kayang malayo sa 'yo Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako [Verse 3] Kung ako lang ay nakuntento at ′di na nanggago Tinupad at 'di ipinako mga sumpa ko at pinangako sa iyo ′Di sana'y 'di nanghihinayang sa mga bagay na Nasayang na at ako ang dahilan kung ba′t biglang natapos na Mapatawad mo na sana Nais ko′y ipaalam sa 'yo na ′di ko pala kaya kung wala ka Patawarin mo pa sana kung bakit ngayon lang ako nanghihinayang Na ikaw ay talagang walang kasalanan kung nagkulang ka 'Di lang talaga ako nakapag-antay na Iyong mapunan ang mga pagkukulang mo na sa'kin nagawa Dahilan ko kung ba′t kumaliwa 'ko Nagmadali at hindi ka inisip at sinilip Kalagayan mo sa pag-aakalang ang pag-ibig mo'y matibay at ′di bibigay Maiintindihan ngunit bumitaw ka Kaya ako ngayo'y naghihintay Pa rin at umaasa pang matutuwid Akin mga sablay at pagkakamaling Nagbatid sa 'kin sa wakas sa panghihinayang ko Pwede bang bumalik ka na sa akin, ayusin na natin ′to? [Chorus] Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa? Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa Sumpa kong gagawin lahat Itutuwid mga pagkakasala sapagkat Ayoko, ′di ko pala kayang malayo sa 'yo Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako [Outro] Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa? Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa Sumpa kong gagawin lahat Itutuwid mga pagkakasala sapagkat Ayoko, ′di ko pala kayang malayo sa 'yo Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ex Battalion