Makakabawi Rin

Lyrics
[Intro] Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano basta't Ikaw palagi ay nand'yan, wag ka nang mawawala Hayaan mo, makakabawi rin ako [Verse 1] Alam kong marami ka nang tiniis para sa akin Mga paratang nila na halos wasakin ang tiwala mo sa akin, nagawa mong patawarin Salamat sapagkat nakuha mo na palawakin Ang pang-unawa mo Kaya naman ngayon kapiling na kita Sabihin man nila ako man ay alipin mo na nga Pasensya na kung dati utak mo ay nalason nila Ang mahalaga ngayon sa 'yo ako at sa 'kin ka na nga Hayaan mo, makakabawi na ako sa 'yo at nang mapatunayan ko sa 'yo Ikaw lang at walang iba At kung gaano kita kamahal kahit na Nagkamali ako noon kaya nagalit ka Pero napatawad mo ako sa kabila Ng mga kasalanan ko sa 'yo kahit na Marami ang gumagatong sa 'yo Naliwanagan ang isip mo, ngayon ako sa 'yo ay babawi na [Chorus] Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo) Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo) 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano Basta't ikaw palagi ay nand'yan, 'wag ka nang mawawala Hayaan mo, makakabawi rin ako [Verse 2] Hayaan mo na makabawi sa mga pagkakamali na nagawa sa 'yo (nagawa sa 'yo) O, hayaan mo ako'y babawi na (babawi na) 'Di ka na muli pang iiyak (iiyak) Asahan mo ang puso mo ay 'di mabibiyak Ano man ang dumaan sa atin ay palagi lang nandiyan Ano man ang nagawa ko sa'yo'y nanatili ka lang Kaya nga wala nang iba pang mahihiling Kahit na papiliin ako'y ikaw pa rin (ikaw pa rin) 'Wag ka lang mawawala, 'yan ang tanging dasal Ko sa buong Maykapal Ganyan ka kamahal Tumagal man ang panahon Mananatili pa rin na gano'n (mananatili pa rin na ganun) Hinding-hindi na magbabago (bago) Ikaw pa rin ang mahal ko [Chorus] Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo) Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo) 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano Basta't ikaw palagi ay nand'yan, 'wag ka nang mawawala Hayaan mo, makakabawi rin ako [Verse 3] Salamat sa 'yo 'Pagkat ako'y tinulungan mong Bumangon sa lahat ng mga pagkakataong Ako'y nadadapa (nadadapa) Hinawakan mo't hinila ang aking kamay Hindi mo hinayaan na ako ay malumbay Ikaw ang nagbigay ng kasayahan sa 'king mga labi Tinuruan mong tumawa kahit ang tadhanang madilim Kaya naman ako'y lubos na nagpapasalamat dahil 'di mo binitawan Kahit minsa'y nagkasugat ka tuloy lang sa paglaban Ako sayo ay hanga kaya naman ang tanging Ganti sa'yo'y salamat at ako sa'yo'y babawi Asahan mo palagi, hindi ko sasayangin Ang tiwalang binigay mo sa'kin mas pagtitibayin Wala 'kong sasayanging oras para makabawi Sa 'yo ko lalaan ang buong buhay ko [Chorus] Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo) Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo) 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano Basta't ikaw palagi ay nand'yan, 'wag ka nang mawawala (Uh) Hayaan mo (Yo) makakabawi rin ako [Outro] Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo) Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo) 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano Basta't ikaw palagi ay nand'yan, 'wag ka nang mawawala Hayaan mo, makakabawi rin ako (makakabawi rin ako)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ex Battalion