Hindi Lahat

Album cover art for "Hindi Lahat" by Ex Battalion

Ex Battalion - Rap, Philippines

Hindi Lahat

0 Plays

Duration: 3:39

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Walang imposible sa pangarap na mataas Kung gagamitan ng talino't ibubuhos ang lakas Ano pa man ang negatibong nakalaan Ay may magandang kapalaran kung masosolusyunan ito Ang pinakamagandang aral kong napulot Iwasan ang damdaming negatibo lang ang dulot Mangarap at gumalaw Sa likod ay tumanaw Kung mabigo ay bumangon ka lang muli, 'wag bumitaw Basta alam mong ika'y nasa lugar Masaya ka sa napili 'yon ang sumatutal Kadalasang nangyayari sa 'tin 'yong wala sa plano Dahilan upang mas magsumikap tayo na manalo Marami man ang taong sayo'y sumasaludo 'Wag magpakasigurado kasama mo hanggang dulo Wala sa ginagawa mong kabutihan ang rekado Dahil dito sa mundo, permanente ang pagbabago [Chorus] Mundo ko'y umiikot May mga bagay na hindi inaasahang darating May mga bagay na wala sa plano 'Yon ay kung papa'no sa buhay mo ay dadali Kaya 'wag magpadala Pagsubok lang 'yan Kung napapagod na itulog lang 'yan Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaaring matupad [Verse 2] Kung minsa'y 'di sumasang-ayon ang tinadhana sa reyalidad Subalit 'di naging sagabal kahit na ako'y babad Sa pagnanais makamit na maabot itong lahat Hindi masayang ang pinagpagurang aking inangkat Ang hakbang na patungo sa napipintong pag-asa Marami man sila sa 'king likod na humihila Ako ang gagawa ng kwento Palaging positibo mag-isip na ikaw mismo ang sa akin sasaludo 'Di baleng madapa nang minsan Hindi mapanghinaan, may kumpyansa sa sarili, 'di takot na masugatan Magbubukas din ang pintuan Aayon din ang lahat sa gusto ko na marating Ako'y meron pa mang buhay [Chorus] Mundo ko'y umiikot May mga bagay na hindi inaasahang darating May mga bagay na wala sa plano 'Yon ay kung papa'no sa buhay mo ay dadali Kaya 'wag magpadala Pagsubok lang 'yan Kung napapagod na itulog lang 'yan Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaaring matupad [Verse 3] Napaka-imposible na mangyari kahit plano ka nang plano Hindi lahat matutupad kahit makipagtalo Dadaan ka muna minsan do'n sa butas ng karayom Kailangan munang madapa bago ka makabangon kasi Hindi naman madali Hindi mo maikubling nahihirapan ka rin kahit na pa'nong gawin Hindi gano'n kadaling makuha Kailangan munang may humalong dugo sa 'yong luha [Bridge] Bago makamit, makuha ang lahat Bakit nga ba 'di pa rin sumasapat? ('di pa rin sumasapat) Imposible na magagawa lahat kasi hindi naman lahat ng gusto ko'y matutupad Kaya 'wag magpadala Pagsubok lang 'yan Kung napapagod na itulog lang 'yan Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaring matupad [Chorus] Mundo ko'y umiikot May mga bagay na hindi inaasahang darating May mga bagay na wala sa plano 'Yon ay kung papa'no sa buhay mo ay dadali Kaya 'wag magpadala Pagsubok lang 'yan Kung napapagod na itulog lang 'yan Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaaring matupad (matupad)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Ex Battalion