Magkaisa

Lyrics
[Verse 1] Idilat ang mga mata, masdan mo ang mundo Wala ka bang napapansin sa paligiran mo? Unti-unting namamatay at ubod ng gulo Tila ang tao ay nababaliw [Verse 2] Marami ang nagugutom sa hirap ng mundo Nabubuhay sa marumi't sira-sirang bahay Wala silang magagawa't kapos-kapalaran Ang bawat araw ay naging hamak [Chorus] Gumising na (Gumising na), tayo'y magkaisa Sabay-sabay sa paghakbang patungo sa kinabukasan Magsikap (Magsikap) at tayo'y darating Sa pagbabago'y laging may daan [Verse 3] Ang tao'y nilikha ng Diyos sa nais ng puso Sila'y nabubay dahil sa Kanyang pagkamatay Ano pa ba ang gagawin? Iwasan ang gulo Magsama tayo't magsipag-alay [Verse 4] Pakinggan niyo ang awit kong likha ng isipan Hindi ba't tama ang aking mga pinagmasdan Ang tangi kong layunin ay tayo'y magmahalan Upang mabuhay ang kamunduhan [Chorus] Gumising na (Gumising na), tayo'y magkaisa Sabay-sabay sa paghakbang patungo sa kinabukasan Magsikap (Magsikap) at tayo'y darating Sa pagbabago'y laging may daan Gumising na (Gumising na), tayo'y magkaisa Sabay-sabay sa paghakbang patungo sa kinabukasan Magsikap (Magsikap) at tayo'y darating Huwag kang mabibigo't may bukas pa (May bukas pa) [Outro] Magkaisa (Magkaisa), ikaw, ako't lahat Gumising na Magkaisa (Magkaisa), ikaw, ako't lahat
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Juan Miguel Salvador