Sapagkat Ang Diyos Ay Pag-ibig

Lyrics
[Verse 1] Pag-ibig ang siyang pumukaw Sa ating puso at kaluluwa Ang siyang nagdulot sa ating buhay Ng gintong aral at pag-asa [Verse 2] Pag-ibig ang siyang buklod natin 'Di mapapawi kailan pa man Sa puso't diwa tayo'y isa lamang Kahit na tayo'y magkawalay [Chorus] 'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo't magtulungan At kung tayo'y bigo, ay 'wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal [Verse 3] Sikapin sa ating pagsuyo Ating ikalat sa buong mundo Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop Sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo, oh-ohh [Chorus] 'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo't magtulungan At kung tayo'y bigo ay 'wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal, oh-ohh [Chorus] 'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo't magtulungan At kung tayo'y bigo ay 'wag limutin Na may Diyos tayong... Nagmamahal [Outro] Diyos ay pag-ibig
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Dave Magalong