Pag Nagigipit

Lyrics
[Intro] May lakas at mayro'ng tibay Na hindi bibigay, walang ngalay Bundok man o ang simbahan Yayanig sa aking kakisigan Sa trabaho, 'lang reklamo May balat-kalabaw, 'alang kaso Hiyas at diyamante, hanapin, patagin Walang uurungan, durog, 'lang atrasan [Verse 1] Pero kung aaminin Tumutulay sa alambreng kay nipis sa perya't sirkus Kung aaminin Si Hercules, umatras ba? "'Yoko nga d'yan kay Cerberus" Kung aaminin Parang wala 'kong kuwenta kung 'lang matutulungan [Pre-Chorus] Kung may duda man at uurong lang Kapag sumobra na bigat nitong dala 'pag [Chorus] Siya'ng nanggigipit-pit-pit ng damdamin ko, whoa At tinitiis din, din ang dalahin ko, whoa-oh-oh Ate mo na lang, kaya niya'ng trabaho Kaya niya'ng pasanin niyo, sigurado May silbi ba kung kokontra ako? Kung uurong Sa panggigipit-pit-pit ng damdamin ko, whoa At tinitiis din, ding 'wag sumabog ako, whoa-oh-oh Ate mo na lang, kaya niya'ng trabaho May itatagal pa siya, sigurado May silbi ba kung kokontra ako? At manghina [Verse 2] Kung aaminin 'Pag may kaba, lalala, at takot, may masasaktan nang sobra Kung aaminin Hindi aatras kahit na panganib, nand'yan na Kung aaminin Hanggang kailan ko kayang buhatin buong bayan? Ayusin man ito, eh, may bagyo Pilitin mang pigilan pa, paulit-ulit lang [Bridge] Sana, kung pwede lang kahit minsan Pasanin ay bitawan at dagling sasaya 'Di mapapagod 'tong aking puso At 'di susuko, maaabuso 'Wag muna, 'wag lagi nang makabawi [Chorus] Sa panggigipit-pit-pit na nadarama, whoa At tinitiis din, din na dalahin pa, whoa-oh-oh Ate mo na lang, 'di nasasaktan 'yan Kahit na ano ay 'di niya iiwasan Kahit mangalay saglit o manginig Titindig at 'Di pagigipit-pit-pit sa damdamin ko, whoa Kayang tiisin, 'ding-'ding-'di sasabog ito, whoa-oh-oh Ate mo na lang, 'wag ka nang magduda 'Di mo kaya, tiyak ako, nagagawa niya Kung walang lakas, wala ring silbi Kahit gipit, magpakamatibay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Lin-Manuel Miranda