Kahit Gaano Katagal

Lyrics
[Verse 1] Katulad ng dagat na puno ng tubig Ang puso ko'y punong-puno ng pag-ibig Ibubuhos sa 'yo ang aking pagmamhal Hihintayin kita kahit gaano katagal [Verse 2] Katulad ng langit na puno ng bituin Ikaw ang bituin sa buhay nagniningning Ikaw ang sagot ng aking dasal Hihintayin kita kahit gaano katagal [Chorus] Kahit gaano katagal, kahit pa kailan Hahanapin kita kahit nasaan Walang isang saglit na hindi ka minahal Maghihintay ako kahit gaano katagal [Verse 3] Hanggang tibok nitong puso ay naririnig pa Pangako ng pag-ibig ay hindi mag-iiba Pag-ikot ng mundo, bumilis o bumagal Hihintayin kita kahit gaano katagal [Chorus] Kahit gaano katagal, kahit pa kailan Hahanapin kita kahit nasaan Walang isang saglit na hindi ka minahal Maghihintay ako kahit gaano katagal Kahit gaano katagal, kahit pa kailan Hahanapin kita kahit nasaan Walang isang saglit na hindi ka minahal Maghihintay ako kahit gaano katagal Maghihintay ako kahit gaano katagal
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Danny Tan
- Edith Gallardo