Maligalig

Lyrics
[Talata] Ayaw pang matulog ng gabi Sa kama kong walang silbi Ang umaga'y para bang kay layo-layo pa [Talata] Bumabagal ang ikot ng mundo Habang bumibilis naman ang takbo Ng utak kong gumugulong-gulong [Koro] Pinagpapasahan ng tuwa At nakakatakot na lungkot Ng galit at pag-ibig ang Kawawa kong pusong Maligalig [Talata] Utak ko'y parang sampung tv Iba't-ibang istasyon na tabi-tabi Ako ay drama at comedy Ako ay araw at gabi [Talata] Kumakanta't umiindak May maalala lang biglang iiyak Parang napapagod na ko sa mundo [Koro] Pinagpapasahan ng tuwa At nakakatakot na lungkot Ng galit at pag-ibig ang Kawawa kong pusong Maligalig [Coda] Dahil ang tanging nais lamang Ay mapakali Dahil ang tanging nais lamang Ay mapakali Dahil ang tanging nais lamang Dahil ang tanging nais lamang
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ebe Dancel