Dear Kuya

Album cover art for "Dear Kuya" by Ebe Dancel

Ebe Dancel - Rock, Filipino

Dear Kuya

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Dear kuya, kumusta ka na dyan? Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit, ngunit kung bumagyo Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito [Verse 2] Matagal na rin, mula nang ika'y Magpasyang subukan ang swerte At abutin ang 'yong mga pangarap sa ibang bansa Kung saan ikaw ay lagin mag-isa Kami tuloy dito, nag-aalala [Chorus] Nasan ka man ngayon Ano man oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin [Verse 3] Oo nga pala, kung nasa 'yo pa Ang checkered na polo ko, sa 'yo na yan Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan Dahil balita ko mahal daw ang sine dyan [Verse 4] Dambuhala daw ang mga pinapakain dyan Tataba ka malamang Miss mo na bang magtagalog? Kuya pag may kumausap sa 'yo Galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya [Chorus] Nasan ka man ngayon Ano man oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Nasan ka man ngayon Ano man oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin [Bridge] Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy Sulat ka palagi Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong San ka raw nagpunta? San ka raw nagpunta? Nasan ka na kuya? [Chorus] Nasan ka man ngayon Ano man oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Nasan ka man ngayon Ano man oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Ebe Dancel