Ikaw at Linggo

Lyrics
[Verse 1] Gumigising sa 'yong ganda tuwing Linggo ng umaga Almusal ko'y pananatili sa higpit ng iyong mga bisig Sa ilalim ng isang kumot, ikaw ang aking pahinga, mmm-mmm [Pre-Chorus] Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon Ay 'di hihigit sa ligaya ng Linggo [Chorus] Dahil sa araw na ito, nandito ka sa piling ko Hinding-hindi lilisan, umaraw man o bumagyo Sa araw na ito, sa langit tayo'y sabay nangako Oras, buwan, at taon, pipiliin ko'y ikaw at Linggo [Verse 2] Bubuksan ang lumang radyo, mananalangin ang Apo May 'di masabi si Ric Segreto, tawad hihingin ni Rico Puno Pan-Linggong mga awiting 'di kukupas gaya ng pag-ibig sa'yo, ooh [Pre-Chorus] Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon Ay 'di hihigit sa ligaya ng Linggo [Chorus] Dahil sa araw na ito, nandito ka sa piling ko Hinding-hindi lilisan, umaraw man o bumagyo Sa araw na ito, sa langit tayo'y sabay nangako Oras, buwan, at taon, pipiliin ko'y ikaw at Linggo [Bridge] Isang Linggo sa buwan ng Hunyo Sa loob nitong puting kwarto Sa tulog mong kay himbing Ika'y 'di na nagising [Chorus] Sa araw ng Linggo, ako pala'y iiwan mo Sa iyong dinaramdam, tuluyan kang sumuko Sa araw ng Linggo, sa langit na ang iyong tungo Oras, buwan, at taon, ito na ang huli nating Linggo Ikaw at Linggo, ikaw at Linggo Mananatili ka sa aking puso Ikaw at Linggo, ikaw at Linggo Sa kahuli-hulihang paghinga, ikaw pa rin ang pahinga [Outro] Isasara na ang lumang radyo, mananalangi't magsusumamo Sa tulong na 'yong hiningi, patawad kung hindi ko nadinig Magigising sa 'yong alaala tuwing Linggo ng umaga Sa ilalim ng ating kumot, masasanay ring mag-isa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Eamarie