Dati

Lyrics
[Intro: Darren Espanto, Belle Mariano] Oh Oh, yeah Yeah [Verse 1: Darren Espanto, Belle Mariano] Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat Naaalala ko pa noon, nag-aagawan ng Nintendo Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili Umaawit ng theme song na sabay kinabisa Kay sarap namang mabalikan ang alaala [Pre-Chorus: Darren Espanto & Belle Mariano, Belle Mariano] Ikaw ang kasama buhat noon Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (Hanggang ngayon) [Chorus: Darren Espanto, Belle Mariano, Both] 'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari? Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari Ngunit 'di ang pagtingin (Ngunit 'di ang pagtingin) Na gaya pa rin ng da-ra-rat-da-dati (Na gaya pa rin) Da-ra-rat-da-dati, da-ra-rat-da-dati Na gaya pa rin ng (Dati, dati) [Verse 2: Darren Espanto, Belle Mariano] Dati-rati ay palaging sabay na mag-siesta At sabay rin gigising ng alas kwatro y medya Oh, sabay manonood ng paboritong programa (Sabay manonood) Oh, kay tamis naman mabalikan ang alaala [Chorus: Darren Espanto, Belle Mariano, Both] 'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari? Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari Ngunit 'di ang pagtingin (Ngunit 'di ang pagtingin) Na gaya pa rin ng (Na gaya pa rin) [Verse 3: Darren Espanto, Belle Mariano, Darren Espanto & Belle Mariano] Yeah, dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan (Oh) Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan (Mm) At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan Pero 'singtamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan 'Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina? (Oh) Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at [Bridge: Darren Espanto & Belle Mariano, Darren Espanto] Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga Sana mabalik pa dati nating pagsasama [Chorus: Darren Espanto, Belle Mariano, Darren Espanto & Belle Mariano] 'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari? (Oh) Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari Ang aking pagtingin (Oh, ibulong na lang sa hangin) Pangarap na lang din (Pangarap na lang din) Na gaya pa rin (Na gaya pa rin) Ng da-ra-rat-da-dati Da-ra-rat-da-dati, da-ra-rat-da-dati Na gaya pa rin ng Da-ra-rat-da-dati, da-ra-rat-da-dati Da-ra-rat-da-dati Na gaya pa rin ng Ng dati
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Thyro Alfaro
- Yumi Lacsamana