Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Lyrics
[Verse 1] Kung tayo ay matanda na Sana'y di tayo magbago Kailan man Nasaan ma'y ito ang pangarap ko [Hook] Makuha mo pa kayang Ako'y hagkan at yakapin, mmm Hanggang sa pagtanda natin Nagtatanong lang sa iyo Ako pa kaya'y ibigin mo Kung maputi na ang buhok ko? [Verse 2] Pagdating ng araw Ang 'yong buhok ay puputi na rin Sabay tayong mangangarap Ng nakaraan sa 'tin [Hook] Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm Ipapaalala ko sa 'yo Ang aking pangako Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo Kahit maputi na ang buhok ko [Hook] Ang nakalipas Ay ibabalik natin, mmm Ipapaalala ko sa 'yo Ang aking pangako Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo Kahit maputi na ang buhok ko Kahit maputi na ang buhok ko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rey Valera