Sandal Lang Sa Pasko

Album cover art for "Sandal Lang Sa Pasko" by Jeffrey Querubin

Jeffrey Querubin - Pop, Singer-Songwriter

Sandal Lang Sa Pasko

0 Plays

Duration: 6:43

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Maraming nangyari sa nakalipas na buwan Kay daming pagsubok ang naranasan Nadama ang pait at kalungkutan Sa bawat puso ng karamihan Ooh, ooh, ooh, ooh [Verse 2] Takot at pangamba ang naramdaman Ningning ng mga bituin, parang 'di na masilayan Na magbibigay ng liwanag sa ating daan At yakapin pag-asa ng Kapaskuhan [Chorus] 'Wag mangamba, ang Pasko'y narito na Dulot nito'y pag-asa at ligaya Liliwanag pa rin ang mga bituin Pag-ibig, pagkakaisa ay kakamtin Kaya sandal lang sa pamilya Kaya sandal lang sa bawat isa Kaya sandal lang kay Kristo Kaya sandal lang sa Paskong ito [Verse 3] Kung atin mang babalikan ang nakaraan Isinilang si Hesus sa malamig na sabsaban Patunay na may liwanag sa ating daan Upang mailigtas ang sanlibutan [Chorus] 'Wag mangamba, ang Pasko'y narito na Dulot nito'y pag-asa at ligaya Liliwanag pa rin ang mga bituin Pag-ibig, pagkakaisa ay kakamtin Kaya sandal lang sa pamilya Kaya sandal lang sa bawat isa Kaya sandal lang kay Kristo Kaya sandal lang sa Paskong ito [Bridge] Ibahagi ang liwanag sa lahat ng tao Gaya ng pag-alay ng tatlong haring mago Ng kamanyan, mira, at ginto Pag-asa ang matatanggap na regalo, woah [Chorus] Ang Pasko'y narito na Dulot nito'y pag-asa at ligaya Liliwanag pa rin ang mga bituin Pag-ibig, pagkakaisa ay kakamtin Kaya sandal lang sa pamilya Kaya sandal lang sa bawat isa Kaya sandal lang kay Kristo Kaya sandal lang sa Paskong ito [Outro] Kaya sandal lang Kaya sandal lang Kaya sandal lang Kaya sandal lang sa Pasko

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jeffrey Querubin