Puno

Album cover art for "Puno" by Coeli & Clara Benin

Coeli & Clara Benin - Pop, Folk

Puno

0 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Nais kong patulugin ang isipan ko ngayon At palipasin muna ang gulo ng mundo Naglalagas na ang buhok ko sa kakaalala Pakiramdam ko'y guguho na'ng lahat ng gusali sa daan Bawat segundo, ako'y nagdududa Maaari bang patigilin muna? At dito muna 'ko Sa ilalim ng 'yong Puno [Chorus] Sa ihip ng hangin Ramdam ko ang iyong pagmamahal Dito sa ilalim Ng 'yong puno, isipan ko'y mapayapa O dito sa ilalim Ng 'yong puno, ako'y nagpapahinga [Verse 2] At dahan-dahan ako'y pipikit Mawawala dito sa mundo ng ilang saglit Habang ika'y pa rin nariyan Kayakap ko sa duyan [Chorus] Sa ihip ng hangin Ramdam ko ang iyong pagmamahal Dito sa ilalim Ng 'yong puno, isipan ko'y mapayapa O dito sa ilalim Ng 'yong puno, ako'y magpapahinga [Outro] Sa ihip ng hangin. ramdam ko ang 'yong pagmamahal Nais kong patulugin ang isipan ko ngayon Kaya dito muna ako Dito muna ako (Dito muna ako) Dito muna ako (Dito muna ako) Dito muna ako (Dito muna ako) Dito muna ako Sa ilalim ng 'yong puno

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Coeli