Laro

Lyrics
Oh wohhh owohhh... Parang kailan lang Tila pusa't aso tayong mag-awayan Lagi nga'ng ganyan Pero parang Nag iba ang nararamdaman Kaya't may parang laro Sabay tawa Habul-habulan Ikaw ang taya Kapag larong tadhana Diba 'di rin inasahan Na ikaw at ako magkakatagpo Isang bangkang 'di lulubog Basta't ika'y kasama Pangako sa iyo na Walang iwanan 'Di itatago Ang tibok ng puso kong iyong iyo Kaya tara't sumama ka sakin Malayo ang mararating Walang 'di makakaya Basta't tayong dalawa ay iisa Wohhohh Basta't tayong dalawa ay iisa Wohhohh Inakala ko 'di na magbabago Ang pagtingin ko sayo Gustong gusto ko ngang iwasan ka na Pero parang iba ang gusto Ng puso kong ito Laro ng laro walang sawa Kapag lumingon sa akin ka Mapaglarong tadhana 'Di ba 'di rin inasahan na Ikaw at ako ay magkakatagpo Isang bangkang 'di lulubog Basta't ika'y kasama Pangako sa iyo na Walang iwanan 'Di itatago Ang tibok ng puso kong iyong iyo Kaya tara't sumama ka sakin Malayo ang mararating Walang 'di makakaya Basta't tayong dalawa ay iisa Lalakbayin ang dagat Kahit anumang paraan 'Di ka pababayaan Kahit pa tayo magtalo muli Hinding hindi ako bibitiw (Hinding hindi ako bibitiw) Wohohoohhhh... Walang iwanan 'Di itatago Ang tibok ng puso kong iyong iyo Kaya tara't sumama ka sakin Malayo ang mararating Walang 'di makakaya Basta't tayong dalawa Ay iisa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...