Pandangguhan Medley

Lyrics
[Verse 1] Manunugtog ay nangagpasimula At nangagsayaw na ang mga mutya Sa mga padyak, parang magigiba Ang bawat tapakan ng mga bakya [Verse 2] Kung pagmamasdan ay nakatutuwa Ang hinhin nila'y hindi nawawala Tunay na hinahangaan ng madla Ang sayaw nitong ating Inang Bansa [Verse 3] Dahil ang isang mutyang Paraluman Ay kasingganda ng Dagat Silangan Mahal na hiyas ang puso ng hirang Ang pag-ibig niya'y kay hirap kamtan [Verse 4] Kung hindi taos ay mabibigo Sa mga pagsuyong inaalay Kung hindi taos ay mabibigo Sa mga pagsuyong inaalay [Verse 5] Sa aking pagtulog ako'y pinukaw Ng isang panaginip na mainam Ikaw raw at ako ay nagsumpaan Ng pagmamahal hanggang kamatayan [Verse 6] Tahimik na gabing lumipas Nagising akong naghahanap Irog ko, ikaw ang tinatawag Na lilingap-lingap [Verse 7] Ang akala ko ay tunay Panaginip lamang pala Kaya ako ngayo'y nalulumbay Puso ko'y nasugatan Sa ating pagmamahalan [Verse 8] Isang gabi, maliwanag Ako'y naghihintay sa tunay kong nililiyag Namamanglaw ang puso ko At ang diwa ko'y laging nangangarap [Verse 9] Malasin mo giliw ang saksi ng aking pagmamahal Bituing nagniningning, kislap ng tala't liwanag ng buwan Ang siyang magsasabi ng pag-ibig ko'y sadyang tunay Araw gabi, ang panaginip ko'y ikaw [Verse 10] Magbuhat ng ikaw ay aking inibig Ako ay natutong gumawa ng awit Pati ang puso kong dati'y matahimik Ngayo'y dumadalas ang tibok ng aking dibdib [Verse 11] Halina aking mahal Ligaya ko ay ikaw Kapag 'di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw [Verse 12] Kung may pista sa aming bayan Ang lahat ay nagdiriwang May lechon bawat tahanan May gayak pati sambahan [Verse 13] Paglabas ni Santang Mariang mahal Kami ay taos na nagdarasal Prusisyon dito ay nagdaraan Kung kaya't ang iba'y nag-aabang [Verse 14] May tumutugtog at may sumasayaw Mayro'ng sa galak ay napapasigaw Ang pista sa bayan namin ay ganyan Ang saya tila walang katapusan [Verse 1] Manunugtog ay nangagpasimula At nangagsayaw na ang mga mutya Sa mga padyak, parang magigiba Ang bawat tapakan ng mga bakya [Verse 2] Kung pagmamasdan ay nakatutuwa Ang hinhin nila'y hindi nawawala Tunay na hinahangaan ng madla Ang sayaw nitong ating Inang Bansa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Constancio de Guzman
- Levi Celerio