Ngayon at Kailanman

Lyrics
[Verse 1] Ngayon at kailanman Sumpa ko'y iibigin ka Ngayon at kailanman Hindi ka na mag-iisa Ngayon at kailanman Sa hirap o ginhawa pa Asahan may kasama ka sinta Naroroon ako t'wina Maaasahan mo t'wina Ngayon at kailanman [Verse 2] Dahil kaya sa 'yo ng maitadhanang Ako'y isilang sa mundo Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo Upang ngayon at kailanman Ikaw ay mapalingkuran hirang [Pre-Chorus] Bakit labis kitang mahal Pangalawa sa Maykapal Higit sa 'king buhay [Chorus] Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag Lalong tumatamis tumitingkad Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Na daig ng bawat bukas [Verse 2] Malilimot ka lang Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na [Pre-Chorus] Hanggang doon magwawakas Pag-ibig kong sadyang wagas Ngayon at kailanman [Chorus] Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag Lalong tumatamis tumitingkad Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Nadaig ng bawat bukas [Chorus] Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag Lalong tumatamis tumitingkad Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon Nadaig ng bawat bukas [Outro] Labis kitang mahal sinta (Ngayon at kailanman) Tangi sa Maykapal sinta (Ngayon at kailanman) Ngayon at kailanman
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- George Canseco