MALIGAYANG PASKO MEDLEY (Pasko Na Naman, Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon, Namamasko, Ang Pasko’y Sumapit, Dalangin Sa Pasko, Pasko Ng Madla, Mano Po Ninong, Pasko Na Naman)

Celeste Legaspi - Pop, Cover
MALIGAYANG PASKO MEDLEY (Pasko Na Naman, Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon, Namamasko, Ang Pasko’y Sumapit, Dalangin Sa Pasko, Pasko Ng Madla, Mano Po Ninong, Pasko Na Naman)
0 Plays
Duration: 5:18
Lyrics
[Intro] Pasko na naman Pasko na naman Kaya ako ngayo'y naririto Upang kayong lahat ay aking handugan Ng iba't ibang himig na Pamasko [Part I: Ang Pasko Ay Sumapit] [Verse 1] Ang Pasko ay sumapit Tayo ay mangagsiawit Ng magagandang himig Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig [Verse 2] Nang si Kristo'y isilang May tatlong haring nagsidalaw At ang bawat isa Ay nagsipaghandog ng tanging alay [Chorus] Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo'y magsikap Upang makamtan natin ang kasaganahan [Verse 3] Tayo'y mangagsiawit Habang ang mundo'y tahimik Ang araw ay sumapit Ng sanggol na dulot ng langit [Verse 4] Tayo ay magmahalan Ating sundin ang gintong aral At magbuhat ngayon Kahit hindi Pasko ay magbigayan [Part II: Sa May Bahay Ang Aming Bati] [Chorus] Sa may bahay ang aking bati Merry Christmas na maluwalhati Ang pag-ibig, 'pag siyang naghari Araw-araw ay magiging Paskong lagi [Verse 5] Ang sanhi po ng pagparito Hihingi po ng aginaldo Kung sakaling ako'y perwisyo Pasensiya na kayo't ako'y namamasko [Part III: Ang Pasko Ay Sumapit Na Naman] [Verse 6] Ang Pasko ay sumapit na naman Kaya tayo ay dapat na magdiwang 'Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang Ni Hesus na 'di natin malilimutan [Verse 7] Halina, tayo ay manalangin Nang tayong lahat ay Kanyang pagpalain Ang Pasko ay ating pasayahin Sa pagmamahalan natin [Part IV: Dalangin Sa Pasko] [Verse 8] Maligayang Pasko sa bawat tahanan Ang dalangin namin, sana ay makamtan Masaganang buhay sa taong darating Ang maging palad sana natin [Verse 9] Dinggin lamang ang dalangin Darating ang hangarin Sama-sama na awitin Ang isang "Ama Namin" [Part V: Pasko Ng Madla] [Verse 10] May gayak ang lahat ng tahanan Masdan niyo at nagpapaligsahan May parol at ilaw bawat bintana May sadyang naiiba ang ibang kulay [Verse 11] Kay ganda ang ayos ng simbahan Ang lahat ay inaanyayahan Nang dahil sa pagsilang sa Sanggol Na Siyang maghahari nang panghabang-panahon [Chorus] Ang Pasko'y araw ng bigayan Ang lahat ay nagmamahalan Tuwing Pasko ay lagi nang ganyan May sigla, may galak ang bayan [Part VI: Mano Po Ninong] [Verse 12] Maligayang Pasko, kayo'y bigyan Masaganang bagong tao'y kamtan Ipagdiwang, araw ng Maykapal Upang manatili sa atin ang kapalaran At mabuhay na lagi sa kapayapaan [Chorus] Mano po, ninong, mano po, ninang Narito ako, ngayo'y humahalik sa inyong kamay Salamat, ninong, salamat, ninang Sa aginaldo po inyong ibibigay [Outro] Pasko na naman Pasko na naman Kaya ako ngayo'y naririto Upang kayong lahat ay aking handugan Ng iba't ibang himig na Pamasko Maligaya, maligaya Maligayang Pasko sa inyong lahat
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jessie C. Saclo
- A. Torres
- Serapio Y. Ramos
- Jerry Brandy
- Vicente Rubi
- Levi Celerio
- Ruben Tagalog
- F. San Juan
- T. Salcedo