Leron-Leron Medley

Lyrics
[Verse 1] Leron-leron sinta Buko ng papaya Dala-dala'y buslo Sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo Nabali ang sanga Kapos kapalaran Humanap ng iba [Verse 2] Sitsiritsit alibangbang Salaginto't salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri parang tandang [Verse 3] Ale, aleng namamayong Pasukubin yaring sanggol Pagdating mo sa Malabon Ipagpalit ng bagoong [Verse 4] Mama, mamang namamangka Pakisakay mo itong bata Pagdating mo sa Maynila Ipagapalit ng manika [Verse 5] Pen-pen, de sarapen De kutsilyo, de almasen Haw-haw de karabaw, batutin Sayang pula, tatlong pera Sayang puti, tatlong salapi [Verse 6] Bahay kubo kahit munti Ang halaman doon ay sarisari Singkamas at talong Sigarilyas at mani Sitaw, bataw, patani [Verse 7] Kundol, patola, upo't kalabasa At saka mayro'n pang labanos, mustasa Sibuyas, kamatis, bawang at luya Sa paligid-ligid ay may linga [Verse 8] Gumising ka irog Tayo'y manampalok Huwag kang mamalagi Diyan sa iyong sulok Tayo'y mamamasyal Malapit sa ilog Ngunit mag-ingat ka Baka ka mahulog [Verse 1] Leron-leron sinta Buko ng papaya Dala-dala'y buslo Sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo Nabali ang sanga Kapos kapalaran Humanap ng iba [Outro] Kapos kapalaran Humanap ng iba
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Producers
- Jessie C. Saclo