4/4 Medley

Lyrics
[Verse 1] Ang lahat ng mangingibig Kay sarap na mangusap Lalo na't isang makata At laging nangangarap [Verse 2] Saksi niya pati ang araw Ang tala at langit Makamtan lamang ang oo Ng kanyang iniibig [Verse 3] O pag-ibig na makapangyarihan 'Pag pumasok sa puso ninuman Hahamakin lahat ang kasawian Masunod lamang ang minamahal [Verse 4] O pag-ibig sana'y iyong itangi Ang puso kong malaon nang sawi At ayaw kong lumuha pang muli Kaluluwa'y lunod na sa pighati [Verse 5] Yaring buhay, ganyan ang may ligalig Dahil sa 'yo pag-ibig O pag-ibig, o pag-ibig Pang-abala ka sa isip [Verse 6] Ngunit kahit ka ganyan magtitiis pa rin Pagkat ang puso kong ito ay may pagmamahal Na hindi magmamaliw sa buhay kong ito Magpakailan pa man [Verse 7] Ang puso ko ay may lumbay Pagkat hindi mo pansin man lamang Araw gabi, namamanglaw Naghihintay sa tunay mong pagmamahal [Verse 8] Nasaan ang iyong awa sa puso ko Na naghihintay at umiiyak nang dahil sa 'yo Hanggang may hininga, 'di na magbabago Ang sumpang ikaw lang ang iibigin ko [Verse 9] Sinabi mong hindi na maglalaho Ang 'yong pag-ibig, at 'yong pagsuyo Mga sumpa't tamis ng iyong mga pangako At nagpabihag sa aking puso [Verse 10] Isang araw, ika'y aking nakita Sa piling ng ibang sinisinta Tuwang-tuwa ka at kayo ay maligaya Ako'y iyong pinaglaruan pala [Verse 11] Irog, bakit ka nagsalawahan Kwintas ng mga pasakit ang sa akin ay iniwan 'Di ko na kailangan pang mabuhay Kung ang tangi kong pag-ibig ay masasawi lamang [Verse 12] Kumakaway ka ba irog ng ako'y iwan Upang tumungo sa ibang bayan Isang panyong puting-puti ang aking tangan Basang-basa ng luha kong 'di mapigilan [Verse 13] Ang wika mo'y ilang buwan lamang marahil At babalik ka sa aking piling Ang mga puso natin ay pagtataliin Upang magsama hanggang sa libing [Verse 14] Tatlong buwan pa lamang ang matuling lumipas Ang katumbas sa aki'y tatlong taon ka na At aking nabibilang pati na'ng oras Pagkat ang aking puso'y sawa na sa hirap [Verse 15] Kalungkutan ko'y labis at hindi matahimik Gulong-gulo palagi yaring aking isip Kausap ko ay luha at pawang hapis At ulilang-ulila sa pag-ibig [Verse 16] Bakit mo ako pinaluluha At palagi mong sinasabik 'Di ba ang sumpa mo sa akin Ay tunay ang iyong pag-ibig [Verse 17] Wika mo pa ay ako na lamang Ang una't huling mamahalin Ngunit sa wari ko irog Ikaw ay nagsisinungaling [Verse 17] Wika mo pa ay ako na lamang (Ohh) Ang una't huling mamahalin (Mamahalin) Ngunit sa wari ko irog Ikaw ay nagsisinungaling
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jessie C. Saclo