3/4 Medley

Lyrics
[Verse 1] Ang puso ko ngayon ay lihim na nagmamahal Sa isang taong noon ko lang natagpuan Aking nadama ang tunay na kaligayahan Nang siya'y mangusap sa gitna ng halamanan [Verse 2] Kahit na hindi ko man lamang nakikita ang kanyang mukha Sa wari ko ay maganda ako ay nabihag Sa tinig nyang may panghalina Kaya't ako ay lumisan na kapagdaka [Verse 3] 'Yan nga kaya ang pag-ibig na sa puso ko'y dumalaw Buhat noo'y alinlangan at 'di mapalagay Nguni't ang di ko malaman kung may pagmamahal Ang taong aking nakita kahit minsan lamang [Verse 4] Kung ako'y mag-aasawa ganda ng puso ang ibig ko At ako'y handa sa hirap maging tuyo man ang ulam ko Ibig ko'y mapagpatawad sa oras na mali ako 'Di ko ibig ang selosong gabi at araw nanggugulo [Verse 5] Ang ibig ko sa lalaki ay laging mapagmahal Ayaw ko sa barumbado na agad nambubuntal Ibig ko ay karinyoso at laging romantiko Kung kaya mo itong idulot, ikaw na irog ang nais ko [Verse 6] Kung ako'y mag-aasawa, ikaw na giliw ang ibig ko Na maging kabiyak ng puso sa bawat araw ng buhay ko Sa gayong anong ligaya ang daranasin sa piling mo Kung itong pag-aasawa'y maging mapalad dahil sa iyo [Verse 7] Nang pista sa nayon nagsayaw ka hirang Napakagandang pagmasdan ang maliliit mong hakbang At ang tatlong basong may taglay na ilaw Ay tinimbang mong lahat sa ulo't sa mga kamay [Verse 8] Ngunit 'di mo alam na minamasdan kita At nabihag mo ako sa iyong pandanggong kay sigla At magbuhat noon ay inaalala ka Dahil sa walang lakas ang puso kong limutin ka [Verse 9] Sa pandanggo mo'y hanga ang lahat Tangan mong mga ilawan ni isa'y walang lumagpak Puso kong ito nais ko liyag Ay ingatan mo na rin 'pagka't ikaw ang may hawak [Verse 10] Kataka-takang mahibang ang katulad ko sa iyo Biro-biro ang simula, ang wakas pala ay ito Aayaw-ayaw pa ako, ngunit 'yan ay 'di totoo Dahil sa iyo, puso kong ito'y nabihag mo [Verse 11] Alaala ka lagi gabi't araw Alipinin mo'y walang kailangan Marinig ko lang sa labi mo hirang Na ako'y iibigin lagi habang buhay [Verse 12] Kung ang sinta'y ulilain Sino pa kaya'ng tatawagin Kung hindi ang tunay mong giliw Naku kay layo sa piling [Verse 13] Malayo man, malapit din Pilit ko ring mararating 'Wag lamang masabi mong 'Di kita ginigiliw [Verse 14] Ginigiliw kitang tunay Alaala gabi't araw Pag 'di ka natatanaw Puso ko nalulumbay [Verse 15] Sinisinta kita, 'di ka kumikibo Akala mo yata ako'y nagbibiro Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro Kundi kita mahal, puputok ang puso [Verse 15] Sinisinta kita, 'di ka kumikibo Akala mo yata ako'y nagbibiro Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro Kundi kita mahal, puputok ang puso
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jessie C. Saclo