Alipin

Lyrics
[Verse 1] 'Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin 'Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip [Pre-Chorus] Malabo man ang aking pag-iisip Sana'y pakinggan mo Ang sigaw nitong damdamin [Chorus] Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa'yong yakap ako'y nasasabik [Verse 2] Ayoko sa iba Sa'yo ako ay hindi magsasawa Ano man ang 'yong sabihin Umasa ka ito ay diringgin [Pre-Chorus] Madalas man na parang aso at pusa Giliw sa piling mo, 'ko ay masaya [Chorus] Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa'yong yakap ako'y nasasabik [Interlude] [Bridge] Pilit mang abutin ang mga tala Basta't sa akin, 'wag kang mawawala [Chorus] Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa'yong yakap ako'y nasasabik [Outro] 'Pagkat ikaw lang ang nais makatabi Malamig man o mainit ang gabi Nais ko sana iparating na ikaw lamang Ang siyang aking iibigin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Sam Santos