Ngiti

Lyrics
[Verse 1] Minamasdan kita nang hindi mo alam Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi at matingkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit [Pre-Chorus] 'Wag ka lang titingin sa'kin At baka matunaw ang puso kong sabik [Chorus] Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil Para lang sa'yo, ang awit ng aking puso Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin [Verse 2] Minamahal kita nang 'di mo alam 'Wag ka sanang magagalit Tinamaan yata talaga ang aking puso Na dati akala ko'y manhid [Pre-Chorus] Hindi pa rin makalapit Inuunahan ng kaba sa aking dibdib [Chorus] Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay lalapit, ang mundo ko'y tumitigil Ang pangalan mo, sinisigaw ng puso Sana'y madama mo rin ang lihim kong pagtingin [Outro] Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling (Sa iyong ngiti) Sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil Para lang sa'yo (Para lang sa'yo), ang awit ng aking puso Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin Sa iyong ngiti
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Vince Katindoy