Salamat Sa Diyos / Tanda Ng Kaharian Ng Diyos

Album cover art for "Salamat Sa Diyos / Tanda Ng Kaharian Ng Diyos" by Bukas Palad Music Ministry

Bukas Palad Music Ministry - Pop, Philippines

Salamat Sa Diyos / Tanda Ng Kaharian Ng Diyos

0 Plays

View Artist

Lyrics

[Priest] Sumainyo ang Panginoon [Response] At sumainyo rin [Priest] Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo [Response] Amen! [Priest] Humayo kayong mapayapa [Response] Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos [Refrain] Humayo na't ipahayag, kanyang pagkalinga't habag Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian [Verse 1] Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani'y sagana Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan [Refrain] Humayo na't ipahayag, kanyang pagkalinga't habag Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian [Verse 2] Ang mga dakila't dukha, ang banal at makasalanan Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan [Refrain] Humayo na't ipahayag, kanyang pagkalinga't habag Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian [Verse 3] Sa 'ming pagdadalmhati, sa 'ming pagbibigay puri Anupamang pagtangis, hapo't pasakit, ang pangalan Niya'y sinasambit [Refrain] Humayo na't ipahayag, kanyang pagkalinga't habag Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found