Благая Весть (Good tidings)

Album cover art for "Благая Весть (Good tidings)" by Bukas Palad Music Ministry

Bukas Palad Music Ministry - Pop, Holiday

Благая Весть (Good tidings)

2 Plays

View Artist

Lyrics

[Verse 1] Panginoon, hanggang kailan kami magdurusa Panginoon, kailan sisikat umaga ng paglaya Panginoon, dumating Ka na [Chorus 1] Kupkupin kami sa 'Yong awa Kupkupin kami sa 'Yong awa [Verse 2] Narito na ang Pasko ng paglaya Bayan magalak sa mabuting balita Tumingala at pawiin ang luha Narito na ang pinangakong tala [Verse 3] Iniluwal ang Sanggol ni Maria Sa Kanyang sabsabang payak at aba Ating haranahin, alayan ng saya Narito na ang Tagapagpalaya [Verse 4] "Hesus" tinawag Siya, hinirang ng Ama Narito na ang Pasko ng paglaya Bayang kinumutan ng mga tanikala Ang ligalig ng gabi ngayon ay payapa [Chorus 2] Narito na ang Sanggol na Mesiyas Narito na ang Pasko ng paglaya

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jandi Arboleda