Panalangin ng Bayan

Album cover art for "Panalangin ng Bayan" by Bukas Palad Music Ministry

Bukas Palad Music Ministry - Pop, Philippines

Panalangin ng Bayan

0 Plays

View Artist

Lyrics

[Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 1] Ipinapanalangin namin, minamahal naming bayan Akayin sa paglalakbay patungo sa kapayapaan [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 2] Ipinapanalangin namin, simbahan Mo sa daigdig Gawing Mong tapat na saksi ng walang-hanggan Mong pag-ibig [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 3] Ipinapanalangin namin ang bawat mahal sa buhay Ibuklod Mo kami sa pag-ibig, ligaya't liwanag Mong tunay [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 4] Ipinapanalangin namin, nakaluklok sa katungkulan Bigyan Mo sila ng lakas ipaglaban ang katarungan [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 5] Ipinapanalangin namin, relihiyoso't kaparian Na sa kanilang paglilingkod, lagi Ka naming masaksihan [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 6] Ipinapanalangin namin, may sakit at nagdurusa Nang lagi nilang maranasang lagi nilang kapiling Ka [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 7] Ipinapanalangin namin, mahal naming yumao na Dalhin Mo sila sa 'Yong piling upang sa wakas masilayan Ka [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin [Verse 8] Ipinapanalangin namin, naliligaw at nakalimutan Akayin Mo sila sa liwanag ng kaloob Mong kaligtasan [Refrain] Panginoon, dinggin ang aming panalangin

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found