Forest

Lyrics
[Berso 1] Tinapay na binasbasan, binunga ng lupa't ulan Hinati at inialay, handog namin sa 'Yong hapag Lahat ng gutom paramin, O D'yos naming mahabagin Sa katawang tatanggapin, pagsasaluhan sa piging [Berso 2] Ang alak na inumin— dugong aming tatanggapin Ang uhaw ay papawiin, lumbay nami'y tatanggalin Sa kalis ng bagong tipang amin ngayong iinuman Ganap na kapatawaran sa a-ming kasalanan [Berso 3] Hesus naming minamahal, buhay at naritong ganap Ang Katawan at dugo Mo ay amin nang tinatanggap Sa bawat na paggunita sa krus Mo at pagkabuhay Aming laging nadarama, pag-ibig Mong sadyang tunay [Optional Verse for Christmas, Passiontide, Feast of Sacred Heart, and Easter] Sa 'Yong kapangana-kan, dangal muling itinatag Sa puso Mong sinugatan, dumaloy ang Iyong habag Sa 'Yong muling pagkabuhay, pag-asa nami'y sumilay Kapayapaang 'Yong bigay, dulot sa 'mi'y bagong buhay [Optional Verses for Easter] Sa bisa ng aming binyag, kami'y 'Yong naging kapisan Kasama sa kamatayan, ka(i)'sa sa bagong bu-hay Espiritu'y panaogin, bayan namin ay baguhin Nang loob Mo'y aming sundin, Ikaw at kapwa'y ibigin Tulutan Mong kami'y maging anong sa 'min ay tumigib: Sa naapi'y katarunga't paglaya sa napipiit Pag-asa ng nangangamba, paglingap sa dukha't aba Pag-ibig na pinipita ng sa Iyo'y umaasa Pagkain at inu-min na pinakikinabangan Handog ng D'yos sa bayan N'yang sinisinta't hinihirang Kami nawa'y patnubayan, samahan sa paglalakbay Hanggang aming mahantungan ang buhay na walang hanggan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Luis Enriquez (PHL)