Paglamig ng Hangin

Lyrics
[Verse 1] Pagalmig ng hanging hatid ng Pasko Nananariwa sa'king gunita Ang mga nagdaan nating Pasko Ang Noche Buena't Simbang Gabi (Simbang Gabi) [Chorus] Narito na ang Pasko At nangungulilang puso ko Hanap-hanap, pinapangarap Init ng pagsasalong tigib sa tuwa Ng mag-anak na nagdiwang Sa sabsaban n'ung unang Pasko [Verse 2] Sa pag-awit muli ng himig-Pasko Nagliliyab sa paghahangad Makapiling kayo sa gabi ng Pasko Sa alaala'y magkasama tayo [Chorus] Narito na ang Pasko At nangungulilang puso ko Hanap-hanap, pinapangarap Init ng pagsasalong tigib sa tuwa Ng mag-anak na nagdiwang Sa sabsaban n'ung unang Pasko Narito na ang Pasko At nangungulilang puso ko Hanap-hanap, pinapangarap Init ng pagsasalong tigib sa tuwa Ng mag-anak na nagdiwang Sa sabsaban n'ung unang Pasko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Manoling Francisco SJ