Noong Paskong Una

Lyrics
[Verse 1] Noong Paskong una, si Mariang Ina Sanggol niyang kay ganda, 'pinaghele sa kanta Awit niya'y kay rikit, anghel doon sa langit Sa tamis naakit, sumamang umawit [Chorus] Pasko na, Pasko na, Pasko na Sumabay, sumabay sa kanta Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda [Verse 2] Mga tala't bituin, pati ihip-hangin Nakisama na rin kay Mariang awitin Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan Hango sa awitan ng unang Paskuhan [Chorus] Pasko na, Pasko na, Pasko na Sumabay, sumabay sa kanta Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda [Verse 3] Mga tupa't baka sa giray na kuwadra Umungol, dumamba kasabay ng kanta Pastores sa paltok, sa tuktok ng bundok Kahit inaantok, sa kantaha'y lumahok [Chorus] Pasko na, Pasko na, Pasko na Sumabay, sumabay sa kanta Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda [Outro] Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda Aleluya, aleluya
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Manoling Francisco SJ