Gloria

Album cover art for "Gloria" by Bukas Palad Music Ministry

Bukas Palad Music Ministry - Pop, Holiday

Gloria

0 Plays

View Artist

Lyrics

[Chorus 1] Minsan sa isang taon lamang Maririnig mga tinig ng nagdiriwang Sa kagalakan, ang Niñong sumilang Naghari sa sambayanang Umasa at nag-abang sa Kanya [Verse 1] Sa tinapay ay nagpupugay (Gloria, Gloria) Kasabay ng alak at galak (Gloria, Gloria) Ating sinasariwa ang diwa (Ating sinasariwa ang diwa) Ng Kapaskuhang Kanyang pagsilang Nang nabuhay ang kalangitan (Kalangitan) Sa pagparito Niya ay natupad na (Ang) Ang pangako ng Ama [Verse 2] Nagising sa pagkakahimbing Tupa't baka, pati kambing Ang mga pastol ay naghabol Makita lamang ang Sanggol Sa sabsabang Kanyang sinilangan Doon, saan ay mapagmamasdan Si Hesus ang Manunubos Ang Anak ng Diyos Kaya't magpuring lubos [Verse 3] May "Gloria" ang awit nila At may "In Excelsis Deo" pa Ang mga anghel (Ang mga anghel) ay naghatid (Ay naghatid) Ng balitang ating nabatid [Chorus 2] Minsan sa isang taon lamang Maririnig mga tinig ng nagdiriwang Sa kagalakan, ang Niñong sumilang Naghari sa sambayanan [Verse 4] Papuri sa kaitaasan (Sa kaitaasan) Sa Kanyang kinalulugdan (Kinalulugdan) Huwag na magtimpi, magbunyi ng maluwalhati "Gloria in Exclesis Deo" Huwag na magtimpi, magbunyi ng maluwalhati "Gloria in Exclesis Deo" Gloria

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jandi Arboleda