Sa Tingin Mo

Lyrics
[Berso 1] Sa tingin Mo, nakita ko ang tunay na makauunawa Ng aking naiisip at nadarama, nakita ko sa tingin Mo [Berso 2] Sa tingin Mo ay natanto, kung paanong dapat isabuhay Ang isang pananampalataya, natanto sa tingin Mo [Refrain] Sa tingin Mo, nakita ko! Sa tingin Mo ay natanto! Sa tingin Mo ay nadama! Sa tingin Mo, naniwala! [Berso 3] Sa tingin Mo ay nadama, dakila Mong pagmamahal At wagas na kadakilaan, nadama sa tingin Mo [Bridge] At doo'y natanggap ko rin, walang ibang dapat gawin Kundi ang ipaubaya sa Iyo ang takbo ng aking puso At ng aking isip, damdamin at lahat ng alalahanin [Berso 4] Nang sa gayon, tunay nga ako ay magiging karapat-dapat Nang sa gayon, tunay nga ako ay magiging karapat-dapat [Refrain] Sa tingin Mo, nakita ko! Sa tingin Mo ay natanto! Sa tingin Mo ay nadama! Sa tingin Mo, naniwala!
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Lui Morano