Awit ng Paghahangad

Lyrics
[Verse 1] O Diyos, Ikaw ang laging hanap Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad Nauuhaw akong parang tigang na lupa Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga [Verse 2] Ika'y pagmamasdan sa dakong banal Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay Magagalak na aawit ng papuring iaalay [Chorus] Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit akong buong galak [Verse 3] Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S'yang dahilan Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makamtan [Chorus] Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak [Outro] Umaawit, umaawit Umaawit akong buong galak
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Charlie Cenzon SJ