Bituin

Lyrics
[Verse 1] Sa isang mapayapang gabi Kuminang ang marikit na bituin At tumanod sa himbing na pastulan, nag-abang [Verse 2] Pagkagising ng maralita Nabighani sa bagong tala Naglakad at tinungo sabsabang aba [Chorus] Hesus, Bugtong na Anak ng Ama Tala ng aming buhay, liwanag Kapayapaan, kahinahunan Kapanatagan ng puso Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita ng abang ulila Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo Nang magningning bilang 'Yong mga bituin [Verse 3] Sa isang pusong mapagtiis Kuminang ang marikit na bituin At doon nanatili, nag-alab, nagningning Taimtim nating kalooban Ginawa Niyang Kanyang himlayan, dalanginan Nilikha Niya'ng sabsabang aba [Chorus] Hesus, Bugtong na Anak ng Ama Tala ng aming buhay, liwanag Kapayapaan, kahinahunan Kapanatagan ng puso Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita ng abang ulila Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo Nang magningning bilang 'Yong mga bituin Hesus, Bugtong na Anak ng Ama Tala ng aming buhay, liwanag Kapayapaan, kahinahunan Kapanatagan ng puso Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita ng abang ulila Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo Nang magningning bilang 'Yong mga bituin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Arnel Aquino SJ