Tagumpay Ng Pag-Ibig

Lyrics
[Refrain] Magsaya, magalak, at magbunyi! Magsiawit ng mga papuri! Sapagkat sa atin ay muli nang nagbalik Siyang Hari natin ng pag-ibig! [Berso 1] Siya ang tagumpay na liwanag sa dilim Buhay Niya ay inialay sa atin Nang tayong lahat ay lubos na mabuhay At makapiling Niya habambuhay [Refrain] Magsaya, magalak, at magbunyi! Magsiawit ng mga papuri! Sapagkat sa atin ay muli nang nagbalik Siyang Hari natin ng pag-ibig! [Berso 2] Siya ang tagumpay na pag-asa sa lagim Puso Niya ay binuwis para sa atin Nang tayong lahat ay lubos na manalig At makatulad Niyang umiibig [Refrain] Magsaya, magalak, at magbunyi! Magsiawit ng mga papuri! Sapagkat sa atin ay muli nang nagbalik Siyang Hari natin ng pag-ibig! [Pantapos] Siyang Hari natin ng pag-ibig!
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Lui Morano
- Norman Agatep