Pamaskong Anyaya

Lyrics
[Chorus] Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan Anyayahan sa puso't isip Siyang huwaran [Verse 1] Do'n sa silangan Niya, tanawin tuwina Halimbawa ng payak na buhay Ating iwasan ang pagnanasang lahat ay kamtin Buhay Niya ang mithiin Papayapa ang mundo kung tayo'y magbago't [Chorus] Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan Anyayahan sa puso't isip Siyang huwaran [Verse 2] Do'n sa silangan Niya, tanawin tuwina Ang pasakit ng Kristong sumapit Sa karukhaa'y nagmula Magandang Balita ng Diyos Bugtong na Anak ng Diyos Hindi mo man mahigtan, sarili'y ihanda't [Chorus] Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan Anyayahan sa puso't isip Siyang huwaran [Verse 3] Kalimita'y nalulunod tayo sa rangya Ng paghahanda sa araw ng sangnilikha Kung babalik tayo sa pinagmulan Niya Higit na makabuluhan ang pagdiriwang [Chorus] Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan Anyayahan sa puso't isip Siyang huwaran [Outro] Anyayahan sa puso't isip Siyang huwaran
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Norman Agatep