Pagkabighani (Attributed to Saint Francis Xavier)

Bukas Palad Music Ministry - Pop, Christian Contemporary Music
Pagkabighani (Attributed to Saint Francis Xavier)
0 Plays
Lyrics
[Verse 1] Hindi sa langit Mong pangako sa akin Ako naaakit na Kita'y mahalin At hindi sa apoy, kahit anong lagim Ako mapipilit nginig Kang sambahin [Verse 2] Naaakit ako na Ika'y mamalas Nakapako sa Krus, hinahamak-hamak Naaakit ng 'Yong katawang may sugat At sa tinanggap Mo'ng kamataya't libak [Verse 3] Naaakit ako sa Iyong pag-ibig Kaya't mahal kita kahit walang langit Kahit walang apoy sa 'Yo'y manginginig 'Wag nang mag-abala upang ibigin Ka [Refrain] 'Pagka't kung pag-asa'y bula lamang pala Walang mababago, mahal pa rin Kita [Instrumental Break] [Verse 4] Naaakit ako na Ika'y mamalas Nakapako sa Krus, hinahamak-hamak Naaakit ng 'Yong katawang may sugat At ang tinanggap Mo'ng kamataya't libak [Verse 3] Naaakit ako sa Iyong pag-ibig Kaya't mahal kita kahit walang langit Kahit walang apoy sa 'Yo'y manginginig 'Wag nang mag-abala upang ibigin Ka [Coda] 'Pagka't kung pag-asa'y bula lamang pala Walang mababago, mahal pa rin Kita
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Albert E. Alejo SJ